To the best dad in the world.
Kung merong isang bagay na kahit kelan di ko papaniwalaan, ‘yun ay ang wala na ang daddy ko. Kahit tumanda ako, ‘di ko ‘yun matatanggap.
It’s been a year. And a lot had happened throughout that year.
Sabi ko sa sarili ko, kahit tumanda akong dalaga. Basta ibalik lang ang daddy ko ok lang sakin. Hindi ko kasi kayang ipaliwanag kung gano ko siya kamahal.
He was very smart. Kaya sabi nila nung nawala siya, nabawasan ng matatalino sa lugar namin. 2 lang sila nakapasa sa Philippine Science HS na galing sa bulacan nung batch nya. Palaging panalo sa Math Quiz. UP Graduate. Top 1 sa buong Region III sa Civil Service. Top 13 sa buong Pilipinas sa Real Estate Broker Licensure Exam. Ang nagdedecide ng mga dapat gawin ng dating governor ng bulacan na si josie.
Sya ang idol ko.
May 11, 2011
2nd training namin after ng COCC.
Ang aga nya gumising. Kukunin daw nya yung license nya sa PRC. Naalimpungatan ako kaya nakita ko siya na papasok ng banyo para maligo.
Kung alam ko lang. Sana hindi na ko natulog. Sana pinagmasdan ko nalang siya buong gabi. Sana bumangon ako at niyakap ko siya. Sana sinamahan ko siya lumuwas.
Pumunta pa ko sa lamay ng dad ng co-officer ko. Tapos hours later yung daddy ko naman pala yung paglalamayan. Heart attack and aneurysm.
Pero ang bata bata pa nya. 46 lang siya. Kailangan pa namin siya. Ang dami pa nyang pangarap para samin.
Dapat in 1 week bibili na siya ng Deluxe na Monterosport. Wala lang kasing blue na available kaya nadelay yung pagbili niya. Papaayos na daw nya yung passport naming magkakapatid at magpapabili ticket sa HK.
Ang daya. Ang daya daya.
Weeks bago siya mawala nauna kami umupo sa table para maglunch. Sabi niya sakin, “sa debut mo, promise ko sayo sa Edsa Shangri-La natin icecelebrate. Basta wag ka mag-aasawa agad at tatapusin mo yung pag-aaral mo. Pagkatapos mo mag-aral, kahit mag-asawa ka na kinabukasan ok lang sakin. At gusto ko sobrang bongga ng kasal mo, yung kasal na hindi naranasan ng ate mo, kahit walang pera mapapangasawa mo, ako gagastos lahat.”
I have the best dad in the world.
Hindi ko nasabi sa kanya na top 1 ako sa training ng cocc. Na siya yung gusto kong kasama ko. Gustong gusto ko ipagmalaki sa kanya na yung anak niyang mataba at lagi niyang sinasabihan na habang tumatagal e pumapangit, na 2nd runner up. Na nagchampion kami sa scrabble. Na iyak ako ng iyak nung prom. Nung na Ms. Senior ako kasi pakiramdam ko talaga kasama ko siya.
Sana hindi ko siya iniiwasan ng tingin bago siya mawala. Kasi natatakot ako na pagalitan nya ko for no apparent reason. Basta inaavoid ko ang eye-to-eye contact sa kanya. Sana pala kinabisado ko nalang yung mukha nya.
Ang dami kong sana.
Ang dami kong frustrations sa buhay.
At hangga’t hindi natatapos na ‘tong May, mas dumadami ang bad happenings.
Next time ko nalang ibblog.
(via whoresforbreakfast)
(Source: art-in-the-streets, via anti--you)
(Source: lovequotesrus, via whoresforbreakfast)
(via dreamssuckletsfuck)